Semis slot nakataya sa pagbabalik ng Palawan cagefest sa Puerto Princesa

PUERTO Princesa , Philippines  --Pag-aagawan ang mga tiket para sa Final Four sa dalawang age group bra­ckets ang nakataya sa pagbabalik ng Palawan Basketball Association (PaBA) dito.

Ang PaBA, isang joint project ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) at ng Coral Bay  Nickel Corporation (CBNC), ay nilahukan ng 13 koponan para sa mga korona ng 23-and-under (juniors) at 24-and-above (seniors) age groups.

Ang dalawang mana­nalong koponan ay bibigyan ng 2-classroom school building na nagkakahalaga ng P1 milyon para sa kanilang LGU bukod pa sa cash prizes na ibibigay sa mga players.

Ang dalawang runner-up ay tatanggap ng 1-classroom school na nagkaka­ha­laga ng P500,000 at cash prizes.

Ang Aborlan, Bataraza, Brooke’s Point, El Nido, Ro­xas, Taytay, Quezon, Rizal at San Vicente ay kinakata­wan ng isang koponan bawat age bracket, habang ang Palawan City ay may tatlo kada age group.

Ang mga LGU-based teams ay hinati sa tatlong conferences kung saan ang El Nido, Roxas, San Vi­cente at Taytay ang bu­buo sa North Conference; ang Aborlan at ang tatlong koponan sa Puerto Prin­cesa ay kabilang sa Central Conference.

Ang LGU teams mula sa Bataraza, Brooke’s Point, Narra, Quezon at Ri­zal ay nasa Southern Conference.

Show comments