WASHINGTON - KuÂmaÂmada si Trevor Ariza ng career playoff-high 30 points para ihatid ang Wizards sa 98-89 panalo laban sa Chicago Bulls at kunin ang 3-1 bentahe sa kanilang first-round series.
Matapos simulan ng Washington ang laro mula sa 14-0 kalamangan ay hindi na nito nilingon ang Chicago.
Kumolekta si John Wall ng 15 points at 10 assists para sa Wizards, pumuwersa ng 16 turnovers sa Bulls.
Naglaro ang Washington na wala si forward Nene na sinuspinde matapos dakmain sa ulo si Chicago guard Jimmy Butler sa Game 3.
Maaaring tapusin ng Wizards ang kanilang serye ng Bulls sa Game 5 sa Chicago sa Martes.
Sa Portland, Oregon, tumipa si LaMarcus Aldridge ng 29 points at 10 rebounds para ibigay ang 123-120 overtime win sa Trail Blazers kontra sa Houston Rockets at angkinin ang 3-1 abante sa kanilang serye.
Nag-ambag si Nicolas Batum ng 25 points para sa Trail Blazers.
Nakatakda ang Game 5 sa bakuran ng Houston at poisbleng tapusin na nila ang serye.
Hindi pa nakakapasok ang Portland sa second round ng postseason sapul noong 2000
Naglista si James HarÂden ng 28 points at humakot si Dwight Howard ng 25 points at 14 rebounds sa panig ng Rockets.
Ang three-point shot ni Mo Williams ang nagbigay sa Blazers ng 105-104 abante sa huling 18.9 segundo kasunod ang split ni Dorell Wright para sa kanilang 106-104 bentahe sa nalalabing 8.3 segundo.
Ang dunk ni Howard mula sa pasa ni Harden sa nalalabing 3.6 segundo ang nagtabla sa Rockets sa 106-106 patungo sa overtime.
Sa Oakland, California, umiskor si Stephen Curry ng career playoff-high na pitong 3-pointers at tumapos na may 33 points para pagbidahan ang 118-97 panalo ng Golden State Warriors sa Los Angeles Clippers at itabla sa 2-2 ang kanilang serye.
Sa New York, kumayod si DeMar DeRozan ng 24 points at may 22 si Kyle Lowry para sa 87-79 tagumpay ng Toronto Raptors at itabla sa 2-2 ang kanilang serye ng Broolyn Nets.