^

PSN Palaro

Alagang Tempra sa Mother’s Day celebration

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibigyan ng pagpupugay ng Tempra ang mga ina sa Mother’s Day ce­le­bration sa Mayo 11 sa isang araw na puno ng ka­si­yahan sa Charito Planas Garden sa Quezon City Memorial Circle.

“For decades, Tempra has been synonymous with a mother’s love for her children, especially when they are sick, it has always been the preferred medicine of choice by pa­rents when kids suffer from flu and fever because it is safe and effective. Our Mother’s Day event is our way of thanking them,” ani Cleo Roda Nodado, ma­r-keting manager ng Taisho Pharmaceutical Inc.

Inorganisa ito ng Subte­rranean Ideas, magkakaroon ng palaro ang mga ina at anak tulad  ng Tempra Hold  Your Breath, Tempra Find the Fruit Games at iba pa.

May mga booths din na puwedeng puntahan tulad ng Trip na Trip Contest, Spin a win-8, clown booth, magic treats, balloon twisting at unlimited face painting.

Libre ang pagpasok sa lugar na pagdarausan ng event pero dapat may dalawang karton ng Tempra/Ceetrus ng kahit na anong kombinasyon, para  sa isang registration at isang booklet na magagamit para sa pagkuha ng ipamamahaging giveaways at pagsali sa mga palaro at pagpasok sa mga  booths.

Magkakaroon din ng tablet registration  pero isang banig ang dapat na ipalit sa isang booklet.

Ang mga ipinalit na karton ay dapat ding lagyan ng pangalan dahil gagamitin ito sa bobolahing raffle prizes.

Maliban sa araw ng ka­ganapan, ang pagpapalit ng booklet ay puwede ring gawin mula Mayo 3, 4 at 10.

 

CHARITO PLANAS GARDEN

CLEO RODA NODADO

OUR MOTHER

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

SHY

TAISHO PHARMACEUTICAL INC

TEMPRA

TEMPRA FIND THE FRUIT GAMES

TEMPRA HOLD

TRIP CONTEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with