^

PSN Palaro

Ika-4 na ratsada pakay ng Elite

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong sunod na panalo ang nagbangon sa nagdedepensang kampeon Blackwater Sports mula sa masamang 0-2 panimula.

Nagagalak si coach Leo  Isaac at nanumbalik na ang pormang inaasahan niya sa mga kamador pero hindi pa niya tunay na masabi kung magtutuluy-tuloy na ang pag-arangkada ng koponang nagpalasap ng unang kabiguan sa NLEX Road Warriors sa isang championship series.

“So far, we’re doing alright,” wika ni Isaac matapos ang 89-74 panalo sa Hog’s Breath Café Razorbacks.

Kasukatan ng Elite ang Cagayan Valley Rising Suns sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon alas-2 ng hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ang makukuhang panalo ng Elite ay magtutulak sa koponan para saluhan sa ikatlong puwesto ang pahingang Jumbo Plastic Giants (4-2).

Umaasa si Isaac na handa ang bataan na ha-rapin ang hamong ito.

“I think the players are in top condition. But their mental toughness will be tested in our coming games,” wika pa ng beteranong coach.

Unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali ang pagkikita ng Big Chill Superchargers at Derulo Accelero Oilers.

Tinapos ng Superchar-gers ang tatlong sunod na pagkatalo sa pamamagitan ng 68-54 pagdurog sa Café France Bakers para pag-initin uli ang laban upang masama sa anim na koponan na aabante sa playoffs.

 

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BLACKWATER SPORTS

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DERULO ACCELERO OILERS

FRANCE BAKERS

JUMBO PLASTIC GIANTS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with