^

PSN Palaro

Mangrobang itinakbo ang ginto sa SUBIT U23

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyan ni Kim Mangrobang ang sarili ng magandang alaala kung paglahok sa female Elite U23 nang kunin ang gintong medalya sa karerang nakapaloob sa 2014 K-Swiss ITU Subic Bay International Triathlon (SUBIT) kahapon sa Subic Bay Freeport.

Ang 22-anyos na si Mangrobang na ang dating pina­kamataas na puwesto sa pagsali sa kompetisyong inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at may basbas ng International Triathlon Union (ITU) at Asian Triathlon Confederation (ASTC) ay ikalimang puwesto noong nakaraang taon ay may  ng 2:19:08 tiyempo.

Sa Olympic distance (1.5-k swim , 40-k bike, 10-k run) ginawa ang karera na kinakitaan din ng pamama­yagpag ang mga nasa unang pagkakataon ng paglahok sa Pilipinas na sina Latin Aleksadr ng Estonia, Chika Sato ng Japan at Hsu Pei Yen ng Chinese Taipei sa male at female Elite Open at male Elite U23.

Si Aleksadr na number one triathlete ng kanyang bansa at nagbabalik matapos mapahinga ng isang taon dahil sa foot injury ay nagtala ng 1:50:16 para manaig kina Kohei Shimomura ng Japan (1:50:29) at Simon Agoston ng Austria (1:50:39).

May 2:02:35 si Sato para manalo kina Hoi Long ng Macau (2:03:02) at Hilda Choi Yan Yin ng Hong Kong (2:07:37) habang si Hsu ay may bilis na 2:00.21 upang biguin ang hangad na panalo ng mga local triathletes na sina Nikko Huelgas (2:00:38) at John Leerams Chicano (2:01:37) tungo sa pangalawa at pangatlong puwesto.

Sinamang-palad na hindi nakita ni Huelgas at naunang kasabayan na si Filipino bet Banjo Norte ang sign na nagsasaad na dumiretso ang mga kasali.  Sa halip ay kumanan ang dalawa upang mawalan ng 10 segundo at ito ay kinapitalisa ni Hsu tungo sa panalo.

 

vuukle comment

ASIAN TRIATHLON CONFEDERATION

BANJO NORTE

CHIKA SATO

CHINESE TAIPEI

ELITE OPEN

HILDA CHOI YAN YIN

HOI LONG

HONG KONG

HSU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with