^

PSN Palaro

Magis, Responders pupuntirya ng panalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na panalo ang balak kunin ng nagdedepensang kampeon Judiciary Magis at PNP Responders sa pagpapatuloy ng UNTV Cup Season 2 ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kalaban ng Magis ang Malacañang Patriots sa huling laro alas-5 ng hapon.

Mauunang sumalang ang Responders kontra sa LGU Vanguards sa ika­lawang laro na magsisi­mula matapos ang unang bakbakan sa hanay ng Senate Defenders at AFP Cavaliers sa alas-2.

Paborito ang Magis at Responders na siyang nag­kita sa titulo sa unang edisyon matapos ang ma­gandang panalo.

Dinurog ng PNP ang MMDA Black Wolves, 75-61, nang nag-init sina Olan Omiping at Julius Criste.

Gagawin ng Vanguards na manaig sa labang ito sa pagtutulungan ng mga gunners na sina Ervic Vijandre at Francis Adriano.

Ang husay nina Don Camaso, Ariel Capus at John Hall ang mga magdadala sa Magis matapos ang mga ito ay magsanib sa 74 puntos sa huling laro.

 

vuukle comment

ARIEL CAPUS

BLACK WOLVES

CUP SEASON

DON CAMASO

ERVIC VIJANDRE

FRANCIS ADRIANO

JOHN HALL

JUDICIARY MAGIS

JULIUS CRISTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with