MANILA, Philippines - Anim na boksingero mula Tayabas at tig-apat mula Mandaluyong at La Union ang umabante sa semifinals sa idinadaos na 2014 PLDT-ABAP Luzon Area Boxing Tournament sa Central School sa Infanta, Quezon Province.
May tig-dalawang bo-xers din na umabante sa Nueva Vizcaya, Sorsogon at Mindoro Occidental habang isa ang isinali ng Quezon Province at University of Baguio.
Ang mga maglalaban sa Jr. boys 46kg pin weight division ay sina Eljay Taporo ng UB at Jonjie Maritana ng Tayabas at Mark Magas ng Sorsogon-Allan Jay Lumauig ng Nueva Viscaya; sina Archie Esteleydes ng Tayabas at Reymark Foster ng Sorsogon ang magsusukatan sa Jr. boys 50kg flyweight; sina Luis Evander Borje ng Mandaluyong at Francis Kim Rubio ng Tayabas at Christian Jay Gamboa ng Nueva Vizcaya at Lawrence Ordonio ng La Union ang magsusuntukan sa boys 54kg bantamweight division.
Maglalaban sina Robert Onggocan ng Mandaluyong at Joel Ramos ng Tayabas at Ronnel Ausa ng Quezon Province at Billy Joe Torres ng La Union para sa Youth boys pinweight; sina Jose Peldiguera Jr. ng Occidental Mindoro at Danny Boy Tan ng La Union at Jeric Ferrer ng Tayabas at Jaye Arre Arcilla ng Mandaluyong ang magsusukatan sa Youth boys light flyweight habang sa Youth boys flyweight ay sina Jessie Diaz ng TayaÂbas-Jerome Clavite ng Mandaluyong at Reynante Ganal Jr. ng Occidental Mindoro-Ryan Torres ng La Union ang maghaharap.
Nanalo rin sa pagbubukas ng naturang torneo si Jonjie Maritana kontra kay Riel Crampatanta ng Mandaluyong, 3-0.