^

PSN Palaro

Obiena magsasanay sa Italy

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong buwang pagsasanay sa Formia, Italy ang tinanggap na pabuya ng batang pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena matapos maabot ang limang metrong marka sa nilahukang 21st Taiwan Non Tou Indoor Pole Vault Championship noong nakaraang buwan.

Ang alamat sa sport na si Sergei Bubka ang siyang nagbigay ng pagkakataon sa 18-anyos na si Obiena na magsanay sa Italy sa loob ng tatlong buwan bilang bise presidente ng International Athletics Federation (IAAF).

Ang aksyon ni Bubka ay bilang pagtupad sa kan­yang naunang pangako na tutulungan si Obiena na magsanay sa labas ng bansa kung maaabot ang 5-meter mark.

Bumisita si Bubka sa bansa noong Pebrero at nakipagpulong kay PATAFA president Go Teng Kok na tutulungan si Obiena kung maaabot ang 5-meter marka.

Lalabas si Obiena bilang ikalawang Filipino na naka­gawa  nito pero ang una na si Fil-Am Edward Lasquete ay nakaabot nito noon pang 1992 Barcelona, Olympics.

Tumapos si Obiena sa ikapitong puwesto sa kompetisyon sa Chinese Taipei pero lumabas siya bilang pinakamahusay sa lahok mula South East Asia upang magkaroon ng tibay na puwede niyang pangunahan ang malalaking kompetisyon sa pole vault sa rehiyon sa hinaharap.

Umalis na kamakalawa si Obiena kasama ang kanyang coach at ama na si dating national pole vaulter Emerson Obiena para pasimulan ang pagsasanay na pangangasiwanan ng grupo ni Vitaly Petrov.

Ang 76-anyos na si Petrov ang coach ng mga world at Olympics champion na sina Bubka, Giuseppe Gibilis­co, Yelena Isinbayeva at Fabiana Murer kaya’t malaki ang maitutulong nito sa batang Obiena para lumabas pa ang nakatagong potensyal.

 

BUBKA

CHINESE TAIPEI

EMERSON OBIENA

ERNEST JOHN

FABIANA MURER

FIL-AM EDWARD LASQUETE

GIUSEPPE GIBILIS

GO TENG KOK

OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with