Super Mega Fight.
Ito ang deskripsyon ng laban, sakaling matuloy, ang niluluto nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions.
Plano ng dalawang top promoters na pagharapin sa ring si Manny Pacquiao at ang top star ng Golden Boy na si Saul “Canelo†Alvarez.
Para kay Dela Hoya kahit ano ay possible.
Ito ang dahilan kaya gusto nang makipagkasundo ni Dela Hoya sa kanyang karibal na si Arum.
Lalabanan ni Alvarez si Erislandy Lara ng Cuba sa Hulyo 12 sa isang 154-pound bout sa MGM Grand sa Las Vegas, pero gusto niyang magkaroon sana ng laban bago pa matapos ang taon.
Si Pacquiao naman, makaraan ang laban kay TiÂmothy Bradley, Jr. noong Abril 12 sa MGM ay nagnanais sana ng isa pang laban sa huling yugto ng taong 2014.
Matatandaang ilang beses nang lumaban ang World Boxing Organization (WBO) welterweight champion na si Pacquiao sa 154 pounds division.
Marami na ang napabalitang mga pangalan na susunod na labanan ni Pacquio.
Kabilang dito sina Shawn Porter, Ruslan Provodnikov, ang dalawang dating sparring partners ni PacÂquiao na naging mga kampeon na rin, bukod pa kina Briton Amir Khan at Kell Brooks at dating world titleÂholder Adrien Broner.
Si Juan Manuel Marquez na naunang umaÂyaw sa pakikipaglaban muÂli kay Pacquiao sa ikaÂ-limang pagkakataon ay tila gusto na ring sumali sa listahang ito.
Pero kinakailangan niÂya munang talunin si Mike Alvarado sa Mayo 17 para makumbinsi si Arum na makalaban si PacÂquiao.
Maging si Arum ay hanÂda ring makipag-usap kay Dela Hoya basta’t tungÂkol sa posibilidad ng laban ng dalawang boksingero.
Pero, ayon sa mga baÂlita, si Dela Hoya ay laÂlabas pa lamang ng rehab makaraang magkaroon ng mga personal na isyu noong nakaraang taon.
Kung matutuloy ang laÂban nina Pacquiao at AlÂvarez ay siguradong ito ang magiging isa sa piÂÂnakamalaÂking laban ngaÂyong taon para kay PacÂquiao.