Guiao pinagmulta ng P100K
MANILA, Philippines - Ang kanilang mga ikinilos sa Game Two ay may kaÂrampatang parusa.
Pinatawan kahapon ng PBA Commissioner’s Office si Rain or Shine head coach Yeng Guiao at Meralco forÂward Cliff Hodge ng P100,00 at P20,000, ayon sa pagÂÂkakasunod.
Ang nasabing multa kay Guiao ay dahil sa pagsasabi nitong ‘mongoloid’ ang 6-foot-4 na si Hodge sa kanilang komÂprontasyon matapos ang 102-93 pananaig ng Elasto Painters sa Bolts sa Game Two ng 2014 PBA CommissioÂner’s Cup noong Miyerkules sa Smart Arenata Coliseum.
Ayon kay PBA Commissioner Chito Calud, hindi ito kaÂtanggap-tanggap sa isang kagaya ni Guiao.
“We find the conduct of Coach Guiao unbecoming and unacceptable on two counts: first, accosting and insulting a player with total disregard for civility and circumspection; second, using the word ‘mongoloid,’ a derogatory term alluding to people with Down’s syndrome,†wika ni Salud.
Ang ginawa ni Guiao ay mula sa pananapok ni Hodge kay Rain or Shine rookie center Raymond Almazan sa isang rebound play sa dulo ng fourth quarter.
Matapos ang laro ay hinintay ni Guiao si Hodge sa dulo ng court at saka niya binulyawan ang Fil-Am cager.
Umabot na sa P1.35 milyon, kasama rito ang P426,000 mula sa Rain or Shine walkout sa Philippine Cup FiÂnals kontra sa San Mig Coffee, ang nakolekta kay Guiao.
- Latest