MANILA, Philippines - Mga amateur kung magÂlaban sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.
Ito ang winika ni pound-for-pound Floyd MayweaÂther Jr. nang kunan siya ng komento sa naganap na laban nina Pacquiao at BradÂley para sa WBO welterweight title ng huli.
Dinomina ni Pacquiao ang dating walang talong si Bradley mula sa seventh round tungo sa unanimous decision panalo at mabawi ang titulong naisuko noong 2012 sa pamamagitan ng kontrobersyal na split deÂcision.
Inanim ni Mayweather na pinanood niya ang laban dahil gusto niyang makita sa ring si Pacquiao na huli niyang napanood noon pang 2009 kontra kay MiÂguel Cotto.
Binati niya si Pacquiao pero pinatutsadahan din sa ipinakitang laban.
“I think both fighters fought like amateurs. I thought Pacquiao fought like an amateur also and I wasn’t pleased with his perforÂmance. He got the victory the best way he know how but I wasn’t pleaÂsed with his performance at all,†wika ni Mayweather sa Fighthype.com
Pero hindi naman lahat ay puna ang ginawa ni Mayweather dahil aminado siya na may ibang galing siyang nakita kay Pacquiao sa nasabing labanan
“I’m seeing something totally different in Pacquiao,†dagdag ni Mayweather. “But still, that don’t make me say, ‘Yeah, I’m go out there and fight him,’ because he’s with Bob Arum and I’m with Mayweather Promotions.â€
May ilang taon na piÂnagsisikapang pagtapatin sina Pacquiao at MayweaÂther ngunit panay ang iwas ng walang talong WBC welterweight champion sa pamamagitan ng paglatag ng mga bagong kondisÂyones.
Ang huling nais niya para matuloy ang mega fight ay umalis si Pacquiao kay Arum bagay na hindi payag ang Pambansang Kamao.
Uminit uli ang usapan na pagsabungin silang dalawa matapos ang panalo kay Bradley at tiyak na muling pag-uusapan ang bagay na ito kung magwagi si Mayweather laban kay Marcos Maidana sa Mayo 3.