BAYOMBONG, Nueva Vizcay, Philippines ---Habang nagbabantayan at nagpapakiramdaman ang mga nangungunang riders, sinamantala ng Indonesian cyclist na si Patria Astra ng Pegasus Continental team ang pagkakataon upang kunin ang Stage Three 146.6 kms Cabanatuan City to Bayombong, Nueva Viscaya kahapon sa pagpapatuloy ng Le Tour de Filipinas.
Tinapos ni Patria ang Stage 3 na kinailangang ire-start bandang makalagpas ng Talavera dahil sa masikip na traffic bago umahon sa Dalton Pass sa tiyempong 4-oras at 2.25 minuto.
Hindi natinag ang top three sa individual general classification sa pangunguna ni Singaporean Choon Huat Goh ng OCBC Singapore continental team na nanatiling may mahigit 3 minutong distansiya sa pumapangalawang Stage 1 winner na si Australian Eric Timothy Sheppard na kasama rin niya sa team sa kanyang kabuuang oras na 8-hours, 21.53 minutes.
Nasa ikatlong puwesto pa rin ang Stage 2 winner na si Mark Galedo ng local team na 7-Eleven na may 3:33 minutong distansiya lamang sa yellow jersey.
Hindi rin gumalaw ang labanan para sa best young rider kung saan nangunguna pa rin si Australian Brendon Meney ng Satalyst Racing team ngunit nananatiling may 2:51 minutong distansiya pa rin ang pumapangalawang si Mark Julius Bordeus ng Team 7-Eleven.
Nanatili ring best Pinoy rider si Galedo na may 3:50 minutong distansiya sa kanyang kakamping si Bordeos sa overall time na 8:25.26.
Nagawa namang kainan ng mahigit isang minuto ng Team 7-Eleven ang nangungunang OCBC Singapore Continental team na may total time na 25:13.13.
“The strategy for today ay ipahinga ang team para bukas,†pahayag ni Team 7-Eleven coach Rick Rodriguez. “Successful naman kami. We sent one rider sa harapan para magtrabaho ang OCBC para hindi namin sila makainan ng oras.â€
Ang final stage ng UCI-sanctioned na karerang ito ay ang puro akyating 134-km Stage Bayombong to Burnham Park sa Baguio City ngayon.
“Yung strategy ng team tama, nagawa namin. Hopefully we were able to rest our 4 riders specially Bordeos who is in contention for best young rider,†sabi pa ni Rodriguez.