MANILA, Philippines - Inamin ni Nonito Donaire Jr. na bumigat ang kanyang timbang sa press conference kahapon para sa kanyang paghahamon kay South African Simpiwe Vetyeka sa Macau sa Mayo 31.
May bigat na 140 pounds ngayon si Donaire at nakatakdang labanan si Vetyeka para sa suot nitong WBA featherweight crown.
Hangad ng 31-anyos na si Donaire ang kanyang ikaapat na korona sa magkakaibang weight class.
Sinabi ng “The Filipino Flash†na matapos niyang pabagsakin ang karibal na si Vic Darchinyan noong Nobyembre ay hindi na siya seryosong nagsanay.
“I love Filipino food--adobo, chicharon, crispy pata and lechon. And I’m about 140 right now. I was eating everything,†wika ni Donaire.
Ngunit sinabi ni Donaire, nagkampeon sa flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions, na kaya niyang bumaba sa 126 pounds para sa kanyang paghahamon kay Vetyeka
Para makuha ang weight limit ay kailangan nang simulan ni Donaire ang pagpapapayat.
“It’s time to work really hard,†ani Donaire. (AC)