CABANATUAN City, Philippines --HinÂdi sinayang ni Mark John Lexer Galedo ng Team 7-Eleven ang lumantad na pakakataon upang makatikim ng stage win sa Le Tour de Filipinas nang kanyang pangunahan ang 170-km Olongapo City to Cabatuan City kahapon.
Sa tulong ng kanyang kaÂsamang si Chris Joven, nagawang manalo ng two-time local tour winner na si Galedo kahit wala na silang makuhang tubig sa huling 20-kilometro ng karera mula sa kanilang team vehicle na naipit sa likuran ng race column.
Mag-isang tinawid ng national team member na si Galedo ang finish line sa tiyempong 4-hours at 14.34 segundo para isuot ang purple jersey bukas bilang stage winner.
“Wala nang dumating na tubig naghanda na lang kami sa suklian (paghabol sa mga kumakawala) meÂron pa namang tubig kaso nainitan ng araw, mahirap na inumin,†kuwento ng 28-gulang na si Galedo.
“Inisip ko na lang na kailangan manalo kami rito lalo na Pilipino kaya pinaghandaan namin ang suklian na mangyayari sa last 15,†dagdag pa ni Galedo.
Nagawang lumayo ni Galedo at tinawid niya ang finish line na may 47 seÂgundong distansiya sa puÂmaÂngalawang si Sungbaek Park ng KSPO na continental team ng Korea.
Malaking tulong kay Galedo ang suportang ibiÂnigay ng kasama niyang si Joven na siyang third placer sa karera
“Last 300 meters, 10-riÂders kami. Pinauna ko sila para magtuluy-tuloy si Mark. Ang team tactic kasi, para bumagal (mga kalaban), sunod lang ako. Ang ginawa ko na lang ay i-delay ang pag-habol para lumayo (si Galedo),†kuwento ni Joven.
Ang panalo ni Galedo ay nag-akyat sa kanya sa ikatlong puwesto sa individual general classification matapos ang 31st place finish sa stage 1.
Inagaw ng SingapoÂrian na si Choon Huat ng Continental team TSI ang yellow jersey sa Stage 1 winner na Eric Timothy Sheppard.