^

PSN Palaro

Le Tour: Stage 1 kay Sheppard

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY , Philippines  -- Isang batang karerista mula sa Continental team ng Singapore ang nanorpresa nang pangunahan ang u­nang yugto ng 2014 Le Tour de Filipinas na nagmula sa Clark Field, Pampanga kahapon.

Sumabay kaagad sa pitong iba na nasa breakaway group si Eric Timothy Sheppard at hindi nagpabaya sa buong karera sa ilalim ng matinding sikat ng araw upang tuluyang pagtagum­payan ang karerang nabahiran ng aksidente sa finishline sa harap ng Olongapo Elementary School.

Solong tinawid ng Australianong si Sheppard na naka-base sa Singapore, ang 160 kilometer Clark to Olongapo City Stage 1 matapos ang apat na oras, anim na minuto at 52 segundo.    

Mahigit dalawang minuto makaraang tumawid ng finish line ni Sheppard, naganap ang aksidente kung saan tumilapon ang third placer na si Kwon Soon Yeong ng KSPO-Korea nang bumangga sa photographer ng Rappler.com na si Josh Albelda.

Nakatungong nakipag­rematehan si Kwon sa kanilang labanan para sa second place ni Yousif  Mohamed Mirza Alhamdi ng UAE at hindi nakita si Albelda na kumukuha ng litrato ilang metro lamang pagtawid ng  finish line.

Parehong duguan si Albelda at ang Korean rider na agad itinakbo ng mga organizers sa Unihealth-Bay Pointe Hospital and Medical Center. Parehong conscious ang dalawa na kasalukuyang sumasailalim sa CT-scan habang sinusulat ang balitang ito.

Tumama ang ulo ni  Kwon na nagtamo rin ng maraming gasgas sa katawan habang si Albelda ay may malaking bukol sa kaliwang mata na tinamaan ng kanyang camera at puro gasgas ang braso. Nasaktan din ang photographer na si Alysa Salen ng Business Mirror na nagkaroon ng fractured clavicle.

Binabantayan ng mga organizers ang tatlong nasugatan.

Isusuot ni Sheppard ang yellow jersey ngayon sa  Stage Two na 170-km   Olongapo City to Cabatuan City. Ang Stage Three bukas ay 146.6 kms Cabanatuan City to Bayombong, Nueva Viscaya at ang Stage 4 sa Huwebes ay ang akyating 134-km Stage Bayombong to Burnham Park sa Baguio City.

Medyo nahirapang su­mabay ang mga Pinoy sa mga kalaban at tanging si Mark Julius Bordeos ng Team 7-Eleven Roadbike Philippines ang nakapasok sa top 10.

Nagtangka siyang hu­mabol sa lead pack sa bahaging Morong, Bataan ngunit pinulikat ang kanyang mga paa kaya nakuntento ito sa ninth place.

 

ALBELDA

ALYSA SALEN

ANG STAGE THREE

BAGUIO CITY

BURNHAM PARK

BUSINESS MIRROR

CABANATUAN CITY

SHEPPARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with