MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ng 2013 Philippine National GaÂmes gold medalist sa gymnastics na si Ava Verdeflor ang maipasok ang sarili sa Youth Olympic Games matapos ang idinaos na Junior Asian Championship Artistic Gymnastics sa Tashkent, Uzbekistan mula Abril 10 hanggang 14.
Ang kompetisyon ay ginawa sa Gymnastics Sports Palace at nilahukan ng 22 bansa at sapat ang ginawa ni Verdeflor sa floor exercise, beam, uneven bars at vault para mapasama sa unang siyam na manlalaro matapos ang all-around event.
Nakalikom ang US-trained na si Verdeflor bitbit ang 48.400 puntos sa all-around mula sa 12.650 sa vault, 10.500 sa uneven bars, 12.900 sa beam at 12.350 sa floor exercise.
Nakasaad sa alituntuÂnin ng kompetisyon na magkakaroon ng puwesto sa YOG sa Nanjing, China sa Agosto ang isang bansa na nasa unang siyam na puÂÂwesto matapos ang all-around event.
Si Verdeflor ay nalagay sa ika-12 puwesto sa opisyal na talaan pero tig-tatlong manlalaro ng China at Japan ang nasa unahan niya at dalawa ang galing host country.
Matapos alisin ang sobÂrang manlalaro ng China, Japan at Uzbekistan, lumabas si Verdeflor na nasa ikapitong puwesto sa talaan.
Nagpahayag ng kagaÂlakan si GAP president Cynthia Carrion sa naabot ni Verdeflor. “Ava is our lone entry in the competition and she made the grade for the Youth Olympic Games,†pagmamalaki ni Carrion.
Ilalapit pa ng GAP sa Philippine Sports Commission ang training program ni Verdeflor para masuportaÂhan siya at mas gumaling sa YOG.
“Ava has proven herself and given more international exposure, she is expected to get better and who knows, might be able to win a medal in the Youth Olympic Games. I hope that the PSC will give their support to her training program,†dagdag ni Carrion.
Si Verdeflor ang ikaapat na manlalaro ng bansa na nakapasok na sa YOG kasunod nina archers Gian Moreno at Bianca Gotauco at golfers Princess Superal at Rupert Zaragosa.