^

PSN Palaro

AIBA world youth championships Banal wagi sa Colombian boxer

Pilipino Star Ngayon

SOFIA, Bulgaria – Nananatiling palaban pa si Hi­polito Banal Jr. nang talunin niya si Hernan Alarcon ng Colombia sa AIBA World Youth Championships na ginagawa sa Arena Armeec Sofia rito.

Ang 17-anyos na naka­babatang kapatid ni da­ting world title challenger AJ Banal ay gumamit ng matitinding hooks sa kata­wan para palambutin ang mas matangkad na si Alarcon tungo sa 30-27, 30-27, 29-28, panalo.

Si Banal na lamang ang nalalabing nakatayo sa apat na boksingero ng Pilipinas na lumalaban pa.

Sunod niyang makakaharap si Mert Karaclic ng Turkey na mas matangkad ng limang pulgada kay Banal.

Pero tiwala ang coa­ching staff ng ABAP na may ibubuga pa si Banal upang manatiling buhay ang hanap na tagumpay at puwesto sa World Youth Games sa Nanjing, China sa Agosto.

Ang mga naunang lu­maban at natalo na ay sina Dannel Maamo, Presco Carcosia Jr. at Sammy Ber­nabe Jr.

“Gigil siya sa simula pero noong nag-settle na ay lumabas ang kanyang laro at inatake ang ka­laban,” wika ni Ronald Chavez na katuwang si Romeo Brin na dumidiskarte sa Pambansang koponan.

Binanggit naman ni ABAP executive director at delegation head Ed Picson na minalas ang ibang lahok sa draw pero nananalig siya na kakapit na ang suwerte kay Banal sa mga susunod pa niyang laban.

ARENA ARMEEC SOFIA

BANAL JR.

DANNEL MAAMO

ED PICSON

HERNAN ALARCON

MERT KARACLIC

PRESCO CARCOSIA JR.

ROMEO BRIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with