MANILA, Philippines - Nang sabihin ni Manny Pacquiao na plano niyang bumaba ng weight division ay mariing nakinig si trainer Freddie Roach.
“Siguro 140 ang perfect,†sabi ni Pacquiao matapos niyang talunin si Timothy Bradley, Jr. noong nakarang linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.
Ito ang pang-walong sunod na laban ni Pacquiao sa nakaraang limang taon na nabigo siyang umiskor ng knockout.
Pinigil ni Pacquiao si Oscar dela Hoya noong 2008 at pinatumba sina Ricky Hatton at Miguel Cotto noong 2009.
At mula rito ay hindi na siya nakapagpatulog ng kalaban.
Naging impresibo ang mga panalo ni Pacquiao kina Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley, mga boksingerong mas malaki at mas mabigat sa kanya.
Ngunit hindi ito naÂpaÂbagsak.
Sinasabi ng ilan na naÂwala na ang lakas ni PacÂquiao bilang isang welterÂweight.
Dalawang beses nilaÂbanan ni Pacquiao si Bradley sa 147 pounds na parehong tumagal ng 12 rounds.
Ang huling laban ni PacÂquiao na hindi umaÂbot sa 12 rounds ay nang patumbahin siya ni Juan Manuel Marquez sa sixth round noong 2012.
Sinabi ni Roach na mas malaki si Bradley kay Pacquiao dahi sa kanilang rematch ay umakyat ang American sa ring na may bigat na 160 pounds matapos tumimbang ng 145.5 pounds isang araw bago ang laban.
Tumimbang si Pacquiao ng 145 pounds at lumaban sa rematch na may bigat na 150 pounds.
“He’s fighting these bigger, stronger guys. Bradley was at least 160 going into that ring,†sabi ni Roach sa Maxboxing.
Ito ang maaaring daÂhilan kung bakit hindi maÂkapagpatulog ng kanyang kalaban si Pacquiao sapul nong 2009.
Ito rin ang maaaring daÂhilan kung bakit nais ni Roach na tanungin si Pacquiao kung gusto nitong luÂmaban sa 140 o maging sa 135.
“He’s not a great punÂcher at 147 like everyone thinks. Everyone says he’s not getting the knockouts like with Hatton and those knockouts were at 135 (David Diaz) and 140,†ani Roach.