MANILA, Philippines - Kaagad na nagpakitang gilas ang Wang’s BallÂclub upang pataubin ang Polytechnic University of the Philippines, 109-77, para sa una nitong panalo sa 2014 MBL Open basketball championship sa Lumera Tower sa Legarda, Manila.
Sa pamamahala niÂna coach Pablo Lucas at maÂnager Alex Wang, ang Mandaluyong-based team ay bahagya lamang pinagpa-wisan bago tuluÂyang winalis ang mas naÂÂkaÂÂbabatang PUP side sa naturang kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon BuilÂders, Dickies Underwear, PRC Couriers at Zucchero Sports Bar.
Sa ikalawang laro, piÂnaÂbagsak ng Our Lady of Fatima University ang NAASCU champion Centro Escolar University, 78-73, para itabla ang kanilang record sa 1-1 panalo-talo.
Sina JJ Mallari, Adrian Gallardo at Joseph Marquez ay nag-combine sa 39 puntos upang pangunahan ang Fatima nina coach Ralph Emerson Rivera at assistant coach Noli Mejos.