HOLLYWOOD--Inaasahan ni boxing superstar Manny Pacquiao na makakapagsuot siya ng bagong uniporme: isang PBA uniform.
“Maglalaro ako sa PBA,†sabi ni Pacquiao.
Kapag nagkataon ay ang 35-anyos na si Pacquiao ang magiging pinakamatandang rookie na maglalaro sa Philippine Basketball Association, ang unang professional basketball league sa Asia.
At sa taas na 5’6 ½ ay maaaring siya ang maging pinakamaliit na player sa PBA.
Sinabi ni Pacquiao na plano niyang maglaro sa isa sa tatlong expansion teams--Ever Bilena, NLEX at Kia - na inaprubahan ng PBA na sumali sa kanila simula sa susunod na season.
Ang Kia ay nasa ilalim ng Columbian Motors, at sinasabing may mga kaibigan si Pacquiao sa naturang kumpanya.
Sa Kia gustong maglaro ni Pacquiao sa PBA.
Si Pacquiao ay isang basketball addict. Maaari siyang maglaro ng basketball araw-araw. Sa kanyang training camp para sa rematch kay Tim Bradley ay naglaro si Pacquiao ng basketball kada linggo bilang bahagi ng kanyang cross-training.
“Maganda ang basketball. Magandang exercise. Lalo na sa footwork,†wika nito.
Sa kanyang mansion sa General Santos City ay nagtayo si Pacquiao ng isang basketball court.
“Araw-araw basketball,†wika ng boxer, naglagay ng sarili niyang basketball team para sa local compertitions na kinabibilangan ng ilang retiradong PBA players.
Si Roy Jones, ang dating world champion, ay minsan nang naglaro para sa isang professional team at ibinahagi ang kanyang interes sa Filipino fighter.