^

PSN Palaro

Azkals inilampaso ang Nepal

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakuha rin ng bagong Azkals coach na si Thomas Dooley ang kanyang unang panalo sa koponan nang ilampaso ang Nepal, 3-0, sa international friendly game noong Sabado ng madaling araw sa Grand Hamad Stadium sa Qatar.

Nagbunga ang pagtitiwala ng American coach sa mga baguhan na sina goalie Nicholas O’Donnel, Curt Dizon at Daisuke Sato nang ang mga ito ang siyang nagtrabaho para maitala ng Azkals ang unang panalo sa 2014.

Si Dizon na ipinanganak at lumaki sa England ang siyang naghatid ng unang goal sa Nationals matapos makumpleto ang magandang pasa galing kay Sato sa 14th minuto ng tagisan.

May 18 minuto ang lumipas at naging 2-0 ang iskor matapos ang kauna-unahang goal sa international competition ni Martin Steuble.

Ang ikatlong goal ay nangyari sa 90th minute na hatid ng pamalit na si Ruben Doctora Jr.

Si O’Donnel na nag­laro sa Ateneo sa UAAP football, ang siyang namahala sa pagdepensa sa mga atake ng Nepalese na nilasap ang ikalawang pagkatalo sa dalawang friendly sa Azkals.

Unang nagtuos ang dalawang koponan noong 2011 sa Manila at umarangkada rin ang home team sa 4-0 panalo.

Ang panalo ay tiyak na nakapagpataas ng morale sa Pambansang koponan na nakapagtala ng scoreless draw sa Malaysia at natalo sa Azerbaijan, 0-1, sa naunang dalawang international friendly. Dahil sa mga resultang ito, ang Pilipinas ay bumaba sa 143rd place mula sa 130th sa FIFA ranking na lumabas ngayong Abril.

Sasandalan ng kopo­nan ang momentum na ito sa pagsukat sa Al Ahli SC na isang club team sa Qatar bukas.

Nagkalaban na ang Azkals at Al Ahli noong 2012 na ginawa sa Doha at nangibabaw din ang Nationals sa 3-1 iskor.

 

AL AHLI

AZKALS

CURT DIZON

DAISUKE SATO

DONNEL

GRAND HAMAD STADIUM

MARTIN STEUBLE

NICHOLAS O

RUBEN DOCTORA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with