Ignacio kakasa kay De Luna sa Finals

MANILA, Philippines - Ginulat ni Jeffrey Ignacio si Dennis Orcollo, 11-9, para ibulsa ang huling finals berth sa Battle of the Kings 10-Ball Challenge sa King of Sports Resto Bar sa Quezon City.

Sinamantala ni Ignacio ang nagawang foul shot ni Orcollo sa 19th rack para angkinin ang panalo at makaharap si Jeffrey “The Bull” De Luna sa finals ng torneong may premyong P100,000.

Nauna nang umabante sa finals si De Luna via a come-from-behind 11-9 victory kontra kay Johann Chua sa isa pang semis duel noong Miyerkules.

Naging dikitan ang labanan ng 21-anyos na si Ignacio at ng dating world champion na si Orcollo.

Lumamang si Ignacio sa 7-5 hanggang maimintis niya ang kanyang mga tira na nagresulta sa 8-7 abante ni Orcollo.

Lumampas ang tirada ni Orcollo sa cue ball na nagbigay ng tsansa kay Ignacio na linisin ang lamesa.

Show comments