MILWAUKEE--Nang ipahinga ni Indiana PaÂcers coach Frank Vogel ang kanyang mga starters sa buong laro laban sa Milwaukee Bucks, nangaÂngahulugan na mahabang playing time ang ibibigay niya sa mga reserves.
Sinamantala naman ni Chris Copeland ang pagkakataon.
Umiskor si Copeland ng season-high 18 points at isinalpak ang isang driving layup sa huling 1.2 segundo para ibigay sa Pacers ang 104-102 panalo kontra sa Milwaukee Bucks.
Ang panalo ang nagÂlapit sa Pacers sa No. 1 spot sa East.
Dinuplika rin ni Copeland ang kanyang career high na apat na 3-pointers.
Matapos tumawag ng dalawang timeouts ay ibinigay ng Pacers ang bola kay Copeland na sumalaksak para sa kanyang winning shot.
Bago ang tirada ni Copeland ay naitabla muna ni Khris Middleton ang Bucks sa 102-102 mula sa kanyang tatlong free throws.
Maski na naglaro nang wala ang mga starters, umangat ang Pacers ng kalahating laro sa Miami Heat patungo sa kanilang matchup sa Miami.
Sa New Orleans, tinalo ng Phoenix Suns ang PeÂlÂicans, 94-88, para sa kaÂnilang pangatlong sunod na panalo.