Ito na ang huling laban ni Pacman - Diaz

Nagkamay sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley bago simulan ang kanilang final press conference kahapon sa MGM. (Kuha ni ABAC CORDERO)

LAS VEGAS--Ilang beses nang nasabi ito, ngunit muling iginiit ng chief trainer ni Timothy Bradley, Jr. na ito na ang magiging huling laban ni Manny Pacquiao.

“I think it’s Manny Pacquiao’s last fight,” sabi ni Joel Diaz sa mga reporters sa isang special session bago ang pinakahuling press conference para sa rematch nina Pacquiao at Bradley sa Linggo dito sa MGM Grand Garden Arena.

Matagal na sa boxing si Diaz at alam niya ang kanyang sinasabi.

At kagaya ng dapat asahan ay pinapaboran niyang manalo si Bradley, ang kasalukuyang WBO welterweight champion laban kay Pacquiao.

Si Diaz ang nasa corner ni Bradley’ nang talunin si Pacquiao via split decision noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand.

Ngunit ngayon ay sinabi ni Diaz na malinis ang magi­ging panalo ni Bradley.

At kapag naihayag na ang desisyon at itinaas na ang mga braso ni Bradley ay panahon na para magretiro ang 35-anyos na si Pacquiao, ayon kay Diaz.

“We’re here to finally set it straight on Saturday. You will see Timothy Bradley hungry and determined to show you guys that he can beat Manny Pacquiao,” ani Diaz sa kanyang opening statement.

Ang kanyang pahayag ay nakaukit na sa kanyang isipan.

“Like in life, everything has a beginning and an end. I think this is Manny Pacquiao’s end,” wika ni Diaz na idinagdag na ang edad ni Pacquiao ay isang mahalagang bagay sa rematch.

 â€œI’ve trained fighters at their prime and fighters toward the end of their prime. And Manny Pacquiao at his age has a lot of wear and tear in his body,” sabi pa ni Diaz.

Ayon pa sa trainer, wala na kay Pacquiao ang killer instinct nito.

Hindi pa nakakapagpabagsak ng kalaban si Pacquiao, may 38 knockouts sa kanyang 55 panalo, sa huling limang taon.

 

 

Show comments