^

PSN Palaro

Big Chill, Cebuana agawan sa No. 2

Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon

(Meralco Gym, Ortigas Ave., Pasig City)

2 p.m Big Chill vs Cebuana

4 p.m. Cagayan Valley

vs Derulo Accelero              

 

MANILA, Philippines - Mag-uunahan sa pagbangon matapos ang pag­lasap ng unang kabiguan ang magaganap sa pagitan ng Big Chill Superchar­gers at Cebuana Lhuillier Gems sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Ang magwawagi sa larong itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon ang magsosolo sa ikalawang puwesto sa ligang nilahukan ng 10 koponan.

Dumapa ang Superchargers sa Blackwater Sports, 75-93, sa larong nakitaan ng ‘partial walkout’ ng tropa ni coach Robert Sison.

Dahil sa di magandang aksyon sa ikalawang yugto, ang Big Chill ay pinagmulta ng Commissioner’s Office ng P150,000.00.

Kinalimutan na ni Sison ang pangyayaring iyon at nakatuon sa paggiya sa panalo sa koponang puma­ngalawa sa Aspirants’ Cup.

“Maigsi ang conference kaya ang bawat panalong makukuha ay mahalaga. Kailangan lang na maging consistent kami,” wika ni Sison.

Nais ni Sison na maka­kuha pa rin ng solidong laro sa mga big men na sina Rodney Brondial, Jeckster Apinan at Dexter Maiquez ngunit dapat din na matutukan ng depensa ang mahuhusay na guard ng Gems na balak na buma­ngon matapos ang unang pagkatalo sa kamay ng Cagayan Valley Rising Suns, 67-70.

Ikalawang sunod na panalo ang balak kunin ng Rising Suns sa pagbangga sa Derulo Accelero Oilers sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Aasa ang Rising Suns na magpapatuloy ang magandang shooting nina Ed Daquiog at Jett Vidal para maitabla ng koponan ang baraha matapos ang apat na laro. (AT)

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHAR

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

MERALCO GYM

PASIG CITY

RISING SUNS

SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with