Shakey’s V-League season 11 Lady Chiefs wawalisin ang Group A; Lady Bulldogs tangka ang quarters

Laro Ngayon

2 p.m. Adamson

vs Arellano

4 p.m. FEU vs NU

 

MANILA, Philippines - Matapos makamit ang unang quarterfinals ticket ay pipilitin naman ng Arellano University na mawalis ang Group A sa pagharap sa Adamson University sa Shakey’s V-League Season 11 First Confe­rence sa The Arena sa San Juan City

Magsasagupa ang Lady Chiefs at ang Lady Falcons ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng National University Lady Bulldogs at Far Eastern University Lady Tamaraws sa alas-4.

Hangad ng Lady Bulldogs na pormal na makamit ang ikalawang silya sa quarterfinals sa pagharap sa Lady Tamaraws.

Nakuha ng Arellano ang unang quarterfinals berth matapos ang kanilang three-set win laban sa St. Louis University noong Martes para sa kanilang 4-0 record.

Umiskor naman ng parehong 3-0 dominasyon ang Adamson kontra sa St. Louis at Southwestern Univertsity matapos ang 1-3 kabiguan sa 2014 UAAP champion Ateneo sa pagbubukas ng ligang itinataguyod ng Shakey’s noong Marso 23.

Muling ibabandera ng Lady Chiefs sina Danna Henson, Cristine Joy Rosario, Elaine Sagun, Menchie Tubiera, Shirley Salamagos, Jovielyn Prado at ace setter Angelica Legacion.

 Ang panalo ang magpapasok sa Lady Falcons sa quarterfinals, ngunit ang pagkatalo ang magbibigay ng tsansa sa Lady Cobras na makasilip ng playoff para sa huling quarterfinal seat sa Group A ng two-division tournament na suportado ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Show comments