^

PSN Palaro

Roach sa mga pastor: ‘Layuan n’yo si Pacman!’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaya si Freddie Roach sa nangyaring trai­ning camp na ginawa nila ni Manny Pacquiao para sa pagtutuos nila uli ni WBO welterweight champion Timothy Bradley.

Lahat ng aspeto na dapat gawin ay ginawa nila ni Pacquiao para mas maging handa at tumibay ang hanap na kumbinsidong panalo kay Bradley.

Pero hindi masasabing 100 percent na masaya si Roach dahil muling lu­malabas ang problemang matagal na niyang inaa­ngal sa tuwing malapit na ang laban ng Pambansang k­amao.

Sa panayam kay Roach ni Chris Mannix ng Sports Illustrated, inilabas ni Roach ang pagkabanas sa mga pastor na umaaligid kay  Pacquiao at kahit sa panahong nagpapahinga na si Pacman ay binubulabog pa para umano dasalan.

“I think the biggest problem right now is these pastors keep coming around at odd hours to have him (Pacquiao) pray,” ani Roach.

Hindi niya maintindihan bakit itong mga pastor na ito ay tila hindi nakakaintindi na kailangan din ni Pacquiao ang magpahinga para ma­bawi ang nawalang la­kas at matiyak na nasa pinakamagandang panga­ngatawan ito sa Sabado (Linggo sa Pilipinas).

“When he is sleeping, you have to leave him alone. I do. I wait hours for the guy if he is sleeping. If he is sleeping, he must need it,” ani pa ni Roach.

Matatandaan na may inaniban ng bagong relihiyon si Pacquiao at kahit ang kanyang ina na si Aling Dionisia ay hindi pumayag.

Pero hinayaan na lamang ni Aling Dionisia ang kagustuhan ng kanyang anak at nakakasama pa nga siya sa mga prayer meeting na dinaluhan ni Pacquiao  habang nasa US.

Wala rin balak si Roach na pigilan ang mga ito kahit banas sa kanilang pang-aabala.

“I’m not happy with those guys so much, but that is his choice. I am not going to go babysit,” banat ni Roach.

ALING DIONISIA

CHRIS MANNIX

FREDDIE ROACH

PACQUIAO

PERO

ROACH

SHY

SPORTS ILLUSTRATED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with