Iginapos ang Lady Navigators, Lady Chiefs sa Quarters
MANILA, Philippines - Tuluyan nang inangkin ng Arellano University ang unang quarterfinals ticket matapos gibain ang St. Louis U of Baguio, 25-13, 25-9, 25-13, sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si Christine Joy Rosario ng isang match-high 15 hits, kasama ang 11 kills at 4 blocks, samantalang may 10 hits naman si Dana Henson para sa ikaapat na sunod na arangkada ng Lady Chiefs sa season-opening conference ng ligang itinataguyod ng Shakey’s.
“Our reception and blocking did it for us,†sabi ni Arellano coach Obet Javier, iginiya ang Legarda-based squad sa runner-up finish sa nakaraang NCAA women’s volleyball tournament.
Sa likod ni Rosario, isiÂnara ng depensa ng Arellano ang opensa ng mga St. Louis’ attackers, may 16 kills buhat sa 91 attempts kumpara sa 39-of-92 connections ng Lady Chiefs.
Nagposte rin ang Lady Chiefs ng 27 excellent digs kontra sa siyam ng Lady Navigators.
May pinagsamang 5 aces sina Mary Jane Ticar at Elaine Sagun para sa Arellano na hangad na mawalis ang eliminasyon sa pamamagitan ng panalo sa Adamson University bukas sa torneong suportado ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Nalasap naman ng St. Louis, pinamunuan ni Roxanne Almonte na may 8 hits, ang ikatlong sunod nitong kabiguan na naglagÂlag sa kanila sa Group A.
Sa ikalawang laro, inilapit ng National U Lady Bulldogs ang kanilang kampanya sa quarters matapos hapitin ang ikatlong sunod na panalo nang kalusin ang Gretchel Soltones-less San Sebastian Lady Stags, 25-16, 25-19, 25-16 sa ikalawang laro sa Group B.
Nagbida sa Lady Bulldogs ang magkapatid na Dindin at Jaja Santiago na nagsanib sa 23 hits.
Samantala, ipapalabas ngayon ang sagupaan ng Arellano-SLU simula sa ala-1 ng hapon sa GMA News TV Channel, ayon sa nag-oorganisang Sports Vision.
- Latest