MANILA, Philippines - Isinuko ng Philippine girls’ team ang isang 0-1 kabiguan sa host Brazil para makuntento sa silver medal sa Street Child World Cup sa Fluminense FC Stadium sa Rio de Janeiro.
Isinalpak ni Thayane ang isang goal para sa BraÂzilians na siyang naging final score.
Nagkaroon ng tsansa ang Pilipinas na makatabla ngunit nasambot ng goal keeper ng Brazil ang tirada ng isang Pinay striker.
“Gutted. It was such a tight game and could’ve gone either way,†wika ni Roy Moore, ang head coach ng koponan na inorÂganisa ng Fairplay for All Foundation.
Nauna nang natalo ang Brazilians sa Filipinos sa inaugural SCWC noong 2010.
“It’s been great for the girls on and off the pitch. They’ve had experiences they will keep forever, and will use to help them make their next steps in life. They really put their all into the game, and were very upset to loose, but once they’ve recovered they’ll be able to look back on great memories,†ani Moore.
Samantala, inangkin ng Tanzania ang boys’ title via 3-1 win laban sa Burundi.