MANILA, Philippines - Madaragdagan ng maÂlaking manlalaro ang Ateneo matapos ihayag ng dating national player na si Michael Jay Javelosa na nais niyang maglaro sa Blue Eagles sa papasok na season.
Si Javelosa ay isang 6’6 center at nagtapos ng seÂcondary education sa Reedley International School
Dati na siyang nag-aral sa Ateneo pero napilitan siyang lumipat sa Reedley dahil pinagbawalan siya na maglaro sa national team habang nag-aaral.
Tatlong taon din isinuot ni Javelosa ang Pambansang uniporme at naging kasapi sa Phl U16 at U18 teams noong 2011 at 2012.
Pinili ng 18-anyos na si Javelosa na maglaro uli sa Ateneo bilang pagtupad sa naipangako sa kanyang nasirang lolo na si Alfredo Javelosa. Ang nakatatandang Javelosa ay dating basketbolista ng Blue Eagles at kakampi ni Moro Lorenzo.
Si Javelosa ang lalabas na ikaapat na talentadong big man na papasok sa Eagles kasunod nina 6’5 Arvin Tolentino ng San Beda at ang magkakampi sa Hope Christian High School na sina 6’4 John Apacible at 6’3 Clint Doliguez.
Makakasama rin ng koponan ang nakababatang kapatid ni Kiefer Ravena na si Thirdy Ravena para sa dagdag opensa.
Nagwakas na ang liÂmang sunod na taon na namayagpag ang Eagles sa Season 76 nang nabiÂgong umabante sa Final Four ang Ateneo sa unang taon ni coach Bo Perasol matapos ang 7-7 baraha tungo sa ikalimang puwesÂtong pagtatapos.