PHOENIX -- Sa 41 sunod na laro ay umiskor si Kevin Durant ng hindi baÂbaba sa 25 points.
Maski si Michael Jordan ay hindi ito nagawa.
Ngunit maaaring ipagpalit ni Durant ang kanyang 38 points para sa isang panalo.
Humugot si P.J. Tucker, mahigpit na binantayan si Durant, ng 11 sa kanyang career-high 22 points sa fourth quarter at tinalo ng Suns ang Thunder, 122-115.
Ang panalo ang nagpaÂlakas sa tsansa ng Suns na makapasok sa playoffs at pinaluwag ang paghawak ng Thunder sa No. 2 spot sa West.
Sa kabiguan ng Memphis sa San Antonio, lumamang ng isang laro ang Suns sa Grizzlies para sa No. 8 spot sa West at isa at kalahating laro ang agwat sa No. 7 Dallas.
Ang streak na ito ni Durant ang siyang bumasag sa 40 sunod na pag-iskor ni Jordan ng 25 puntos o higit pa.
Nagtala naman si Russell Westbrook ng 33 para sa Thunder, lamang pa rin sa Los Angeles Clippers ng isang laro para sa No. 2 playoff spot.
Sa Portland, Oregon, gumawa si LaMarcus Aldridge ng 25 points at 18 rebounds at inangkin ng Trail Blazers ang una nilang playoff appearance sa nakaraang tatlong seasons mula sa 100-94 panalo kontra sa New Orleans Pelicans.
Nagdagdag si Wesley Matthews ng 21 points kasunod ang 20 ni Damian Lillard at 16 ni Nicolas Batum na humakot din ng 12 rebounds para sa Portland (50-28).