MANILA, Philippines - Bumigay ang mga local netters ng bansa na sina Johnny Arcilla at Patrick John Tierro sa mga beteranong sina Aqeel Khan at Aisam Qureshi para isuko ng Pilipinas sa PaÂkistan ang panalo sa pagÂtatapos kahapon ng Asia/Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals sa PCA Indoor courts sa Paco, Manila.
Ang beteranong si Arcilla ang siyang hinugot ni non-playing team captain Roland Kraut upang haÂlinhinan ang No. 1 player na si Fil-Am Ruben GonzaÂles.
Maganda ang naunang ipinakita ni Arcilla na gamay ang pinaglaruang court dahil makailang-ulit na siyang naghari sa PCA Open.
Ngunit sadyang wala ang suwerte sa kanya maÂtapos dapuan ng pulikat para isuko ang 6-4, 1-6, 6-2, 3-6, 1-5 (retired) pagkatalo sa unang reversed singles.
Pinulikat siya sa puntong hawak niya ang 2-0 kalamangan at may serve sa third game ng fourth set.
Dahil may iniinda sa tiyan si Fil-Am Treat Huey, wala nang mahugot si Kraut kungdi si Tierro, ang nagbigay ng 1-0 kalamaÂngan sa koponan.
Pero mas malawak ang karanasan ni Qureshi upang kunin ang 6-2, 6-2, 3-6, 6-2 pananaig para sa 3-2 panalo ng Pakistan.
“It’s about will and expeÂrience,†wika ni Qureshi, ang No. 27 sa mundo sa doubles.
Ito lamang ang ikalawang panalo matapos ang pitong pagtutuos ng PaÂkistan sa Pilipinas at sila ang aabante sa Finals ng Group 2 katunggali ang mananalo sa Thailand at Kuwait.
Ang mananalo sa SetÂyembre ang siyang aabante sa Group I sa 2015.
Ang Pilipinas ay manaÂnatili sa Group II ng Davis Cup tie.