CLEVELAND -- Nakamit ng Charlotte Bobcats ang kanilang ikalawang playoff seat sa franchise history.
Umiskor si Al Jefferson ng 24 points, kasama rito ang pito sa overtime, para tuÂlungan ang Bobcats sa 96-94 paggupo sa Cleveland Cavaliers.
Ito ang ikalawang pagÂkaÂkataon na nakapasok ang Charlotte (39-38) sa playoff sa kanilang 10-year history at unang pagkakataon sapul noong 2010.
Habang nagdiriwang ang Bobcats ay nalagay naman sa panganib ang tsansa ng Cavaliers (31-47) sa playoff sa kabila ng iniskor na career-high 44 points ni Kyrie Irving.
Ang Cleveland ay nasa ilalim ng eighth-place na Atlanta ng tatlo at kalahaÂting laro sa karera para sa playoff spot sa Eastern ConÂference.
Sa Washington, dinomiÂna ng Chicago Bulls ang laÂro mula umpisa hanggang kaÂtapusan para kunin ang 96-78 panalo kontra sa WiÂzards.
Ito ang unang panalo ng Chicago sa Washington sa kanilang tatlong beses na paghaharap ngayong seaÂson.
Muling magkikita ang Bulls at ang Wizards sa isang seven-game series sa playoffs.
Umiskor si D.J. Augustin ng 25 points, tampok ang 6-of-11 sa 3-point range.
Humakot si cenÂter Joakim Noah ng 21 points at 12 rebounds.