LOS ANGELES – Matapos ang mabigat na araw sa gym ay nagrelaks naman si Manny Pacquiao sa kanyang tahanan dito sa Larchmont Park.
Binuksan ni Pacquiao ang pintuan ng kanyang $2 million residence sa kanyang mga kaibigan.
Pagsapit ng hapunan ay mayroon nang 70 bisita sa loob ng kanyang bahay.
Sa main dining table ay may mga chess matches at sa loob naman ng kanyang garahe ay may nangyayaring mini-darts tournament.
Ang sala ay pinasisikip ng isang higanteng plasma TV na nakasabit sa kulay abuhing pader kung saan ipinaÂpalabas ang Final Four match sa pagitan ng Kentucky at Wisconsin.
Ang ibang bisita ay nasa kusina, samantalang ang mga hindi matagalan ang lamig ng panahon ay nasa buÂkana ng tahanan na tila binabantayan ang Ferrari ng Filipino boxing icon.
Naglaro si Pacquiao ng ilang chess matches kina sports scribes Winchell Campos at Roy Luarca kung san siya nakapagtala ng isang win at isang draw.
Tinatapos na ni Pacquiao ang laro para sa kanyang panalo nang kumanta siya ng ilang linya ng pamosong comÂmercial, “Wala pa ring tatalo sa Alaska.â€
“Kanina pa ako naglalaro†sabi ni Pacquiao bago iwaÂnan ang lamesa.
Matapos ito ay naglaro naman siya ng darts.
“Dito naman tayo,†ani Pacquiao.