^

PSN Palaro

Deklarasyon ni Roach para sa rematch kay Bradley 100% ready na si Manny

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES – Isang linggo bago ang ka­nilang rematch ni world wel­terweight champion Ti­mothy Bradley, Jr. ay na­ging magaang na ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao.

Anim na rounds lamang ang naging spar­ring ni Pacquiao kahapon at nakatakdang magpahinga nga­yong araw para bigyan ng panahon ang kanyang pamilya at kaibigan.

Bukas ay muling sasabak si Pacquiao sa sparring session dito sa Wild Card Boxing Gym ni chief trainer Freddie Roach.

Sinabi ni Roach na tatlo hanggang apat na rounds ang kanilang gagawing spar­ring bago bumiyahe ang Team Pacquiao patu­ngong Las Vegas.

“He’s ready to fight,” wi­ka ni Roach.

Ayon naman sa isang miyembro ng Team Pacquiao, ang tao na tumitiyak sa kondisyon ng Filipino boxer, na ang pagiging 100 percent ay hindi gumagarantiya ng madaling pana­lo.

“This is not a cakewalk for Manny,” babala ni Justine Fortune, ang nag­babalik na strength and conditioning coach ni Pac­quiao.

Si Fortune, isang dating Australian heavyweight con­tender, ay muling ki­nuha ni Pacquiao sa kanyang grupo.

Humiwalay si Fortune no­ong 2007 para itayo ang kan­yang sariling boxing gym sa Sunset Boulevard.

Sinabi ni Fortune na naibalik na ni Pacquiao ang kanyang dating porma at kondisyon para sa kanilang rematch ni Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Manny has good muscle memory. I am just bringing the old training methods,” ani Fortune sa Sarangani Congressman.

Si Fortune ang nagpa­tikim kay Pacquiao sa Thai sticks, isang masakit na proseso kung saan ini­­hahampas ang isang bam­­boo stick sa bodega at braso ni Pacquiao.

Ngunit sa kanyang pagbabalik sa Team Pacquiao ay hindi ginamit ni Fortune ang kanyang bamboo sticks.

Sinabi ni Fortune na mahabang panahon ang dapat gugulin para makita ang resulta ng naturang pro­seso sa katawan ng Fi­lipino world eight-division champion.

“You just don’t do it in such a short time span. You need eight to ten weeks and I didn’t have enough time,” ani Fortune.

Sa kabila nito ay nagu­lat pa rin si Fortune sa kon­disyon ni Pacquiao, ha­ngad bawiin kay Bradley ang WBO welterweight crown.

BRADLEY

FORTUNE

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

SI FORTUNE

SINABI

TEAM PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with