^

PSN Palaro

Bradley kay Pacquiao: ‘Babagsak ka sa kaliwa ko’

Pilipino Star Ngayon

 LOS ANGELES--Pinanood ng media si Timothy Bradley sa pagsasanay nito sa Fortune Gym sa pamosong Sunset Boulevard.

At nakuha nila ang gusto nila.

Naging mabait ang undefeated American bilang host kung saan niya sinagot ang bawat tanong sa kanya. Pagkatapos nito ay umakyat siya sa ring, hinubad ang kanyang t-shirt at ipinakita ang kanyang katawan.

Nagpapawis siya kasama si trainer Joel Garcia.

Nangako rin si Bradley na pababagsakin niya si Manny Pacquiao at ganito niya ito gagawin.

 â€œI’m going to knock him out with the left hook,” sabi niya.

“Not the right (hand) but the left hook. That’s what I’m going to knock him out with,” dagdag pa ng tubong Indio, California na may ring record na 31 wins at 12 knockouts.

Naipanalo ni Bradley ang kanilang laban ni Pacquiao noong Hunyo ng 2012 at kahit na naniniwala siyang tinalo niya si Pacquiao ay nararamdaman pa rin niyang kailangan pa ring patunayan niya ito.

Sinabi ng WBO welter­weight champion na ma­ig­ting ang ginawa niyang paghahanda para sa ka­ni­lang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand.

Sa kanya, ang nasabing laban ang tanging ma­halaga.

“This is everything to me. Everything I’ve worked hard for in boxing. This is everything to me,” ani Bradley.

Sinabi ni Bradley na maaari siyang lumaban hanggang 12 rounds dahil mas matagal pa sa 12 rounds ang kanyang gina­wang pag-eensayo.

“I did 10-minute rounds with three different guys straight,” ani Bradley sa kanyang kakaibang trai­ning regimen na may isa lamang 15-second break bago umakyat ang bago niyang sparring partner.

“I get 15 seconds to drink water and boom right back on it and 15 seconds rest and boom another fresh guy comes in. It was so intense--extremely new,” ani Bradley sa mediamen sa loob ng dressing room.

May nagtanong kung sumobra ba ang kanyang pagsasanay para sa rematch.

“No,” ang mabilis na sagot nito.

“I had proper rest but it was a solid eight weeks. I’m ready to fight,” pagtatapos ni Bradley. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

BRADLEY

EVERYTHING I

FORTUNE GYM

JOEL GARCIA

PACQUIAO

SHY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with