MANILA, Philippines - Ang pagtapik sa serbisyo ni James Michael Lafferty ng PATAFA ay patunay na hindi lamang gulo ang iniisip ng pangulo ng asosasyon na si Go Teng Kok.
Pormal na iniharap sa mamahayag si Lafferty kahapon para ianunsyo ang pagtalaga sa CEO ng isang British-American Tobacco firm bilang honorary coach ng PATAFA na mangangaÂsiwa sa paghahanda ni Marestella Torres.
“Nakikipag-away ako sa kapakanan ng mga atleta at coaches ko. Pero hindi nangangahulugan na wala akong ginagawa para sa ikabubuti ng PATAÂFA. Ang pagkuha kay Lafferty ay bilang bahagi ng paÂnawagan ng POC at PSC na maghanap ang mga NSAs ng support sa private sector,†wika ni Go na nakasama si PATAFA chairman Philip Ella Juico sa pagpupulong.
Si Lafferty ay dating coach sa US bago pumasok sa pagnenegosÂyo pero nasa puso pa rin niya ang tumulong sa mga atleta lalo na ng bansang Pilipinas dahil itinuring na niya ito bilang kanyang pangalawang tahanan.
Naniniwala siyang likas na mahusay ang atletang Pinoy at ang kulang lamang nila ay ang mahalaÂgang suporta para makasaÂbay sa ibang malalakas na atleta sa ibang bansa.
Tinuran niya sina Paeng Nepomuceno, Lydia De Vega-Mercado at Manny Pacquiao na mga atleta ng bansa na tunay na tiningala ang galing ng mundo dahil bukod sa mahuhusay ay nasuportahan sila nang husto ng mga tumatangkilik.
“This is what an athlete can do if given the much needed support in the right sport,†wika ni Lafferty.
Si Torres na nais maÂibalik ang dating kondisyon upang maibigay ang hanap na gintong medalya sa Incheon Asian Games, ang unang atleta na susuportahan ni Lafferty.
Si Lafferty ang bahala sa gastusin at gagawing programa ni Torres na namahinga matapos isilang ang unang anak nila ni Eleazer Sunang. (AT)