MANILA, Philippines - Isinantabi ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang nakagawian kung pagpili ng mga hurado sa isang laban ang pag-uusapan para sa rematch nina WBO welterweight champion Timothy Bradley at Manny Pacquiao.
Inalis ng NSAC ang paÂlagiang pagbibigay ng dalawang puwesto sa local judge ng Las Vegas kapag ang laban ay gagawin sa naturang lugar upang matiyak na hindi mauuwi sa konÂtrobersya ang rematch.
Sa Abril 12 sa MGM Grand Arena gagawin ang tagisan at hanap ni Pacquiao na mabawi ang titulong naisuko kay Bradley matapos ang kontrobersyal na split decision na pagkaÂtalo noong 2012.
Si Glenn Trowbridge laÂmang ang manggagaÂling mula Nevada at sasamahan niya sina Michael Pernick ng Florida at John Keane ng Great Britain para puntusan ang laban.
Hindi naman mga first timers ang tatlong hurado na ito na pupuntos sa laÂban ni Pacquiao pero piÂÂnaniniwalaan na mas maÂgiging makatotohanan ang kanilang ipalalabas na desisyon kung dumaan sa scorecards ang bakbakan.
Ang beteranong si KenÂny Bayless naman ang kinuha para maging reÂfeÂree.
May limang laban na ni Pacquiao ang hinawakan ni Bayless at kasama rito ang di inaasahang sixth round knockout pagkatalo nito kay Juan Manuel Marquez noong 2012.
Wala pa ring kontrobersya ang pinasok ni Bayless sa mga laban ni Pacquiao at ganito pa rin ang inaasahang makikita sa beteranong referee sa nasabing tagisan.
Masinsinan ang naÂging pagsasanay ng dalawang boxers na kapwa haÂnap ang makapagtala ng kumbinsidong panalo.
Dahil dito, nakikita ng marami na mauuwi sa knockÂout ang laban at mismong si Pacman ang nagsabi na sisikapin niyang gawin ito para patunayan na mali si Bradley sa kanyang tinuran na wala na ang kanyang killer instinct.
Sa Lunes ay inaasaÂhang tutulak na ang Team Pacquiao patungong Las Vegas upang paghandaan ang press conference at ang aktuwal na bakbakan sa Abril 12. (ATan)