NEW YORK -- Inangkin ng Brooklyn Nets ang isang playoff berth matapos gibain ang Houston Rockets, 105-96, sa unang pagkakataon matapos ang walong taon.
Umiskor si Joe Johnson ng 32 points para sa Nets kasunod ang 17 ni Shaun Livingston.
Idiniretso ng Brooklyn ang kanilang home winning streak sa 14 laro, ang pinakamahaba sa kanilang NBA history na nangiÂbaÂbaw sa liga ngayong season.
Winakasan ng Nets ang isang 14-game losing skid laban sa Houston sa kanilang unang panalo matapos noong Marso 13, 2006.
Tumipa si James HarÂden ng 26 points para sa Rockets.
Sa Dallas, binasag ni Stephen Curry ang huling tabla para igiya ang Golden State Warriors sa 122-120 double overtime panalo sa Mavericks.
Tumapos si Curry bitbit ang double-double na 23 puntos at 10 rebounds habang si Klay Thompson ay mayroon pang 27 puntos at si Jermaine O’Neal ay naghatid pa ng 20 para sa nanalong koponan.
Naghabol sa regulation at unang overtime ang Dallas.
Ang tres ni Thompson ang naghirit sa overtime habang naipasok ni Curry ang winning jumper na nangyari matapos ang block ni O’Neal sa huling opensa ng Dalls.
Si Dirk Nowitzki ay mayroong 33 puntos at 11 rebounds para sa natalong koponan na ngayon ay nasa ika-siyam na puwesto sa Western Conference
Nalaglag ang Dallas sa No. 9 mula sa pagiging No. 7 sa Western Conference sa ilalim ng Memphis at Phoenix para sa agawan sa huling dalawang playoff positions.
Sa Los Angeles, naghatid ng 34 at 31 puntos sina Damian Lillard at LaMarcus Aldridge para sa Portland Trail Blazers tungo sa 124-112 panalo sa Lakers.
May 15 rebounds pa si Aldridge upang ibigay sa Blazers ang ikaapat na sunod na panalo at malagay sa ikaapat na puwesto sa Western Conference.
Tumapos si Nick Young taglay ang 40 puntos mula sa 15-of-26 shooting pero hindi ito sapat para pigilan ang paglasap ng Lakers ng ika-10 pagkatalo matapos ang 14 na laro.
May kabuuang 33-49 marka ang Lakers at naÂnganganib ang koponan na lumasap ng unang 50-loss record matapos ang 1974-75 na kung saan may 30-52 karta ang nasabing koponan.