MANILA, Philippines - Isasagawa ngayon ng Philippine Superliga ang kauna-unahan nilang Draft Lottery sa NBA Café sa SM Aura sa Taguig City.
Ang drafting ay nakaÂtakÂda sa alas-2 ng hapon.
Ang nasabing Draft ay para sa PSL All-Filipino Conference, suportado ng Mikasa, Asics, Jinling Sports at Healthway Medical Services, na magsisimula sa Mayo 10 sa Ultra sa Pasig.
Ilalahad ni PSL at organizing Sportscore president Ramon ‘Tats’ Suzara ang pagyabong ng liga matapos ang isang taon.
Si Suzara ang naglakad para kilalanin ang bansa bilang miyembro ng Asian Volleyball Confederation (AVC) matapos ang mahaÂbang taon na pagkakatulog.
Ihahayag naman ni PSL chairman Philip Ella Juico ang masigasig na pag-unlad ng liga bago pumili ang mga team owners, stakeholders at coaches ng kanilang mga players sa drafting.
Ang Petron Blaze SpiÂkers ang unang pipili sa inaugural pool na 26 plaÂyers kasunod ang Air Asia, ang bagong prangkisa, RC Cola, Cagayan Valley, PLDT MyDSL, Cignal at ang Philippine Army, maglalaro sa ilalim ng Generica Pharmaceuticals na kakatawanin ni team manager Claire Carlos.
Tina-target makuha ng Petron, pumangatlo sa inaugural PSL invitational at pang-lima sa import-laced PSL Grand Prix noong nakaraang taon, si dating National University stalwart Aleona Denise Santiago, ang UAAP Season 76’s Best Spiker awardee.
Kinabibilangan naman ng mga dating De La Salle University Lady Spikers na sina Michele Gumabao, Melissa Gohing, Stephanie Mercado at Cha Cruz ang Air Asia Zest at gustong masikwat si dating two-time UAAP MVP Abigail Maraño.