^

PSN Palaro

Sinu-sino ang makukuha?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasagawa ngayon ng Philippine Superliga ang kauna-unahan nilang Draft Lottery sa NBA Café sa SM Aura sa Taguig City.

Ang drafting ay naka­tak­da sa alas-2 ng hapon.

Ang nasabing Draft ay para sa PSL All-Filipino Conference, suportado ng Mikasa, Asics, Jinling Sports at Healthway Medical Services, na magsisimula sa Mayo 10 sa Ultra sa Pasig.

Ilalahad ni PSL at organizing Sportscore president Ramon ‘Tats’ Suzara ang pagyabong ng liga matapos ang isang taon.

Si Suzara ang naglakad para kilalanin ang bansa bilang miyembro ng Asian Volleyball Confederation (AVC) matapos ang maha­bang taon na pagkakatulog.

Ihahayag naman ni PSL chairman Philip Ella Juico ang masigasig na pag-unlad ng liga bago pumili ang mga team owners, stakeholders at coaches ng kanilang mga players sa drafting.

Ang Petron Blaze Spi­kers ang unang pipili sa inaugural pool na 26 pla­yers kasunod ang Air Asia, ang bagong prangkisa, RC Cola, Cagayan Valley, PLDT MyDSL, Cignal at ang Philippine Army, maglalaro sa ilalim ng Generica Pharmaceuticals na kakatawanin ni team manager Claire Carlos.

Tina-target makuha ng Petron, pumangatlo sa inaugural PSL invitational at pang-lima sa import-laced PSL Grand Prix noong nakaraang taon, si dating National University stalwart Aleona Denise Santiago, ang UAAP Season 76’s Best Spiker awardee.

Kinabibilangan naman ng mga dating De La Salle University Lady Spikers na sina Michele Gumabao, Melissa Gohing, Stephanie Mercado at Cha Cruz ang Air Asia Zest at gustong masikwat si dating two-time UAAP MVP Abigail Maraño.

ABIGAIL MARA

AIR ASIA

AIR ASIA ZEST

ALEONA DENISE SANTIAGO

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG PETRON BLAZE SPI

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

BEST SPIKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with