MANILA, Philippines - Tutulong ang isang dating track and field coach sa US na CEO ngayon ng isang malaking international tobacco firm sa bansa sa paghahangad ng PATAFA na magkamit ng medalyang ginto sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Si James Michael Lafferty, na naupo rin bilang PreÂsident at General Manager ng Procter & Gamble (P&G) Philippines mula 2006 hanggang 2009, ang siyang mangunguna sa pagtulong sa hangaring ito ng PATAFA at ang atletang kanyang bibigyan ng lubusang suporta ay ang dating SEA Games long jump queen na si Marestella Torres.
“I met Lafferty two years ago and he informed me of his desire to see a Filipino track and field athlete winning in big international tournaments. It is only now that we have accepted his offer and this is a big boost in our quest to continue bringing honors to the country,†wika ni PATAFA president Go Teng Kok.
Tumapos ng kursong Bachelor of Arts degree sa Psychology at Physiology sa University of Cincinnati, si Lafferty ang sumasagot ngayon sa allowances, tirahan at programa na ginagawa ni Torres.
Hanap ni Torres na maibalik ang dating mabangis na porma na nawala dahil nanganak siya ng unang supling nila ng asawang si shotput specialist Eleazer Sunang noong Enero.
Bukod sa pagsanay sa 33-anyos na si Torres para maging world class long jumper, plano rin ni Lafferty ang kumausap ng CEOs sa iba pang malalaking kumpanya sa bansa para sa itinutulak niyang ‘Adopt an Olympian’ program para sa 2016 Rio de Janiero Olympics.
Isang pagpupulong ang magaganap para pormal na pagtibayin ang samahan ng PATAFA at ni Lafferty na columnist din ng pahayagang The Philippine Star.