^

PSN Palaro

Bagong import ng Bolts, Kings magkakasukatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa ipaparada ng Barangay Ginebra at ng Meralco ang kani-kanilang mga bagong import para sagipin ang kanilang kampanya sa 2014 PBA Commissioner’s Cup.

Itatampok ng Gin Kings si Josh Powell, habang itatapat ng Bolts si Darnell Jackson sa kanilang banggaan ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng nagdedepensang Alaska Aces at Barako Bull Energy Cola sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 6-foot-9 NBA vete­ran na si Powell, pinalitan si Leon Rodgers, ay naging miyembro ng L.A. Lakers squad na nagkampeon ng dalawang sunod sa NBA noong 2009 at 2010.

Kumampanya rin si Po­­well sa kopo­nan ng Dallas, Indiana, Golden State, LA Clippers at Atlanta bago naglaro sa NBA D-League, Russia, Italy, Greece, Puerto Rico at China.

Sa Chinese League ay nagposte ang 33-anyos na si Powell ng mga averages na 15 points, 9.9 boards at 1.6 assists per game para sa Guangdong Southern Tigers.

Kasalukuyang nasa  two-game losing skid ang Gin Kings.

Pinalitan naman ng 6’9 na si Jackson si 6’10 Brian Butch sa panig ng Bolts.

Ang 28-anyos na si Jackson ay nagmula sa pag­lalaro para sa Shanghai Sharks sa Chinese League at nakita sa NBA para sa Cleveland, Milwaukee at Sacramento.

Sa unang laro, target ng Alaska na makamit ang kanilang ikatlong sunod na arangkada sa pagsagupa sa Barako Bull na nagmula sa panalo.(RCadayona)

ALASKA ACES

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY COLA

BARANGAY GINEBRA

BRIAN BUTCH

CHINESE LEAGUE

DARNELL JACKSON

GIN KINGS

GOLDEN STATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with