MANILA, Philippines - Pupulungin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia ang mga National Sports Association (NSAs) bukas (Miyerkules) para hanapan ng solusyon ang problema sa kanilang unliquidated accounts.
Gagawin ito ng PSC dahil malaki ang magiÂging epekto ng patuloy na kawalan ng lunas sa liquiÂdation ng mga NSAs sa perang ibinigay sa kanila sa paghahanda ng bansa sa Asian Games sa Incheon, Korea ngayong Setyembre at sa 2015 SEA Games sa Singapore.
Bawal ang PSC na magÂpalabas ng pera mula sa ahensya sa mga asosasyon na hindi pa naisasaayos ang liquidation dahil kung itutuloy nila ito ay si Garcia ang mananagot sa Commission on Audit (COA).
“Handa kaming makinig at willing kaming tulungan sila kung ano ang kanilang mga problema sa liquidation para maayos na ito,†pahayag ni Garcia.
Ang perang itinulong ng administrasyon ni Garcia lamang ang nais na malinis muna upang makapagpaÂlabas uli ng bagong pondo ang Komisyon.
Nasa P32,153,033.25 ang unliquidated accounts mula sa 34 NSAs at ang judo ang nasa unang puwesto nang umabot na sa P4,022,748.47 ang perang hindi na naliliquidate.
Ang iba pang may milÂyon pisong hindi nali-liÂquiÂdate ay ang wrestling (P2,948,561.66), sailing (P2,658,823.10), weightlifÂting (P2,230,981.39), golf (P2,219,374.50), rowing (P2,038,685.00), boxing (P1,684,800.00), archery (P1,502,590.00), bridge (P1,285,300.00), gymnasÂtics (P1,167,656.56) at windsurfing (P1,Â049,Â506.00).