MANILA, Philippines - Pinagpahinga ng MaÂlaÂcañang Patriots ang House of RepresentatiÂves sa 2nd UNTV Cup sa pamamagitan ng 88-76 panalo kamakailan sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Si Paul Anthony Yamamoto at Jenkins Mesina ang nagdala sa laban ng Patriots sa kanilang 16 at 15 puntos upang itulak ang HOR sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo sa Group A.
Nasayang ang tig-19 puntos nina Gerald Francisco at Arnold Gamboa para sa HOR na sinamahan ang Department of Justice na hindi rin nanalo sa Group B.
Kinapitalisa ng MMDA Black Wolves ang di paglaÂlaro ni Don Camaso para silatin ang Judiciary Magis, 73-71, sa isa pang laro.
Dahil wala ang 6’6 na si Camaso, nagdomina sa rebounding ang Black WolÂves, 42-28. Si Jeffrey Sanders ang humablot ng 16 rebounds bukod pa sa 27 puntos at dalawang steals para pamunuan ang Black Wolves.
Si Ariel Capus ay gumaÂwa ng 23 puntos at 10 reÂÂbound para sa Magis ngunit nabutata siya sa pinakawalang panablang tres para maputol ang tatlong sunod na panalo ng nagdedepensang kampeon.