^

PSN Palaro

Malacañang sinibak ang HOR sa UNTV Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagpahinga ng Ma­la­cañang Patriots ang House of Representati­ves sa 2nd UNTV Cup sa pamamagitan ng 88-76 panalo kamakailan sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Paul Anthony Yamamoto at Jenkins Mesina ang nagdala sa laban ng Patriots sa kanilang 16 at 15 puntos  upang itulak ang HOR sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo sa Group A.

Nasayang ang tig-19 puntos nina Gerald Francisco at Arnold Gamboa para sa HOR na sinamahan ang Department of Justice na hindi rin nanalo sa Group B.

Kinapitalisa ng MMDA Black Wolves ang di pagla­laro ni Don Camaso para silatin ang Judiciary Magis, 73-71, sa isa pang laro.

Dahil wala ang 6’6 na si Camaso, nagdomina sa rebounding ang Black Wol­ves, 42-28. Si Jeffrey Sanders ang humablot ng 16 rebounds bukod pa sa 27 puntos at dalawang steals para pamunuan ang Black Wolves.

Si Ariel Capus ay guma­wa ng 23 puntos at 10 re­­bound para sa Magis ngunit nabutata siya sa pinakawalang panablang tres para maputol ang tatlong sunod na panalo ng nagdedepensang kampeon.

 

ARNOLD GAMBOA

BLACK WOL

BLACK WOLVES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DON CAMASO

GERALD FRANCISCO

GROUP A

GROUP B

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with