Career ni Pacquiao ‘di matatapos kay Bradley

MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang ga­ling ni Manny Pacquiao sa ring.

Ito ang kanyang dekla­ras­yon sa ipinalabas na unang yugto sa serye ng Pacquiao-Bradley 24/7 na ginawa ng HBO at ipinalabas kamakailan.

“This is not yet my time,” ang matikas na binigkas ni Pacquiao upang ipaalam ang determinasyon na ma­bawi ang naisukong WBO welterweight title kay Bradley dalawang taon na ang nakalipas.

“I’m not saying that I’m going to knock him out, but I will bring back the aggressiveness and the killer instinct that he wants to see,” dagdag ni Pacquiao.

Matatandaan na kinuwestiyon ni Bradley ang ka­ka­yahan ni Pacman na maibalik ang dating bangis lalo nga’t hindi na nakaka-pagpatulog ng kalaban ang dating 8-division world champion

Aminado si Pacquiao na may pagkukulang siya sa unang tagisan na nakuha ng walang talong US boxer sa pamamagitan ng kontrobersyal na split decision.

“I should put more on gas and be aggressive. I’m not saying that I could knock him out, but I’m just nice to Bradley in the ring. That’s what happened,” paliwanag ng Kongresista ng Sarangani Province.

Gumaling si Bradley,  sabi pa ni Pacquiao, lalo na noong tinalo niya si Juan Manuel Marquez, ang Mexicanong umukit ng sixth round KO panalo sa tubong General Santos City boxer noong 2012.

Maging si Freddie Roach ay hanga sa magandang kondisyon ngayon ni Pacman para sa rematch nila ni Tim sa  Abril 12.

 

Show comments