Cavs binugbog ang Pacers, nakasilip ng tsansa sa playoff
CLEVELAND--Umiskor si Dion Waiters ng 19 points at may 15 si Luol Deng para buhayin ang tsansa ng Cavaliers sa playoff mula sa 90-76 paÂnalo kontra sa InÂdiaÂna Pacers, nawawala ang pagÂhawak sa No. 1 seed sa East Conference.
Humakot naman si TristÂÂan Thompson ng 16 reÂbounds para wakasan ng Cavs ang nine-game loÂsing slump laban sa Pacers.
Tatlong laro ang agwat ng Cleveland sa Atlanta sa kanilang pag-unahan para sa final playoff spot.
Unti-unti namang huÂmuÂhulagpos sa Pacers ang No. 1 berth matapos malasap ang kanilang pang-limang sunod na kaÂÂbiguan sa labas ng Indiana at isang laro ang lamang sa Miami sa pagkakaroon ng top record at home-court advantage sa East.
Tumipa si Paul George ng 15 points kasunod ang 14 ni David West para sa Indiana, nilamangan ng Cleveland ng 21 points sa fourth quarter.
Sa New York, nagtala si Paul Pierce ng 22 points para ilapit ang Brooklyn Nets sa isang playoff spot matapos talunin ang Minnesota Timberwolves, 114-99, para sa kanilang ika-13 sunod na home victory.
Humugot si Pierce ng 16 markers sa first quarter, habang nagdagdag si Joe Johnson ng 19 points para sa Nets, maaaring makamit ang playoff spot kung matatalo ang New York Knicks sa Golden State Warriors sa Linggo.
Sa Oklahoma City, gumawa si Kevin Durant ng 31 points at 9 assists para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 116-96 panalo laban sa Utah Jazz.
Sa Orlando, Florida, tumapos si Mar DeRozan ng 28 puntos at nagdagdag si Jonas Valanciunas ng 20 puntos at siyam na rebounds at natakasan ng Toronto Raptors ang Magic, 98-93.
Sa iba pang laro, nanalo ang Los Angeles Lakers sa Phoenix Suns, 115-99; kinaldag ng Chicago Bulls ang Boston Celtics, 107-102.
- Latest