MANILA, Philippines – Inamin ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao na hindi niya ibinuhos ang kanyang lakas noong unang pagkikita nila ni Timothy Bradley halos dalawang taon na ang nakararaan na nauwi sa kanyang pagkatalo.
Dahil dito, sinabi ni eight-division champion Pacquiao na magiging mas mabangis siya sa muling pagtatagpo nila ni Bradley sa Abril 12 sa kanilang WBO welterweight title match.
“I should put more on gas and be aggressive,†wika ni Pacquiao sa kanyang panayam sa isang episode ng Pacquiao-Bradley 24/7 ng HBO.
Kaugnay na balita: Pacquiao: Bradley ‘di makikipagsabayan sa 'kin
Aniya, masiyado siyang naging mabait kay Bradley noong Hunyo 2012 kaya nakaporma pa ang Amerikanong boksingero.
“I'm not saying that I could knock him out, but I'm just nice to Bradley in the ring. That's what happened.â€
Kahit natalo dahil sa kontrobersyal na scoring ng mga hurado, iginiit ni Pacquiao na siya ang nanaig sa kanilang unang pagkikita ni Bradley.
Kaugnay na balita: Pacquiao dedma sa judges kontra Bradley
“I'm just smiling and I said, I think my thought is, ‘This is boxing; part of the game,’†pahayag ng Saranggani representative.
Nangako si Pacquiao na ibabalik niya ang mabangis niyang laro na nagdala sa kanya sa tuktok ng mundo ng boksing.
“I will bring back the aggressiveness and the killer instinct that he wants to see,†sabi ni Pacquiao.
“It's good for me. It's good. It's kind of challenging me. I want to answer him in action on April 12th.â€