MANILA, Philippines - Hindi mangingimi si Treat Huey na sumalang sa singles kung siya ay taÂtapikin para sa Davis Cup semifinals tie laban sa PaÂkistan na magsisimula sa BiÂyernes sa PCA Indoor Clay Courts.
Dumating na sa bansa ang Fil-Am 28-anyos na si Huey upang makasama ang iba pang Philippine Davis Cuppers na sina Fil-Am Ruben Gonzales, Patrick John Tierro at Johnny ArcilÂla na magsasanay para sa komÂpetisyon.
Mahalaga ang tie sa Asia-Oceania Zone Group II dahil ang mananalo rito ay lalapit sa isang panalo para maihatid ang Pilipinas sa Group 1 sa 2015.
“Yes, hopefully,†wika ni Huey sa panayam kaÂhapon. “It’s up to the captain and coach whether I play Friday’s singles of Sunday’s singles. I’m definitely ready.â€
Tinuran ng 28th ranked netter sa buong mundo sa doubles na lahat ng kasapi ng koponan ay handang magÂlaro kung kakailaÂnganin.
Binanggit pa ni Huey na naglaro na sa limang maÂlalaking torneo sa taon, ang magandang ipinakita ni Tierro sa katatapos na Olivarez Cup-Philippine F1 Futures na kung saan umaÂbot siya sa semifinals bilang wildcard, na maÂkaÂkatulong sa kanyang kumpiyansa.
“Johnny and Ruben played Davis Cup in the last years so all four of us are ready to play singles or doubles. We are excited to play the tie this weekend,†dagdag ni Huey.
Ito na ang ikaanim na pagÂtutuos ng Pilipinas at PaÂkistan sa Davis Cup at angat ang bansa sa 5-1 iskor.
Sina Huey, Gonzales at Arcilla kasama si Francis Casey Alcantara ang buÂmuo sa koponan na hinarap ang Pakistani noong 2002 sa PCA at tinalo nila ito sa 5-0 sweep.
Ngunit mas malakas ang bisitang koponan ngaÂyon dahil lalaro ang kaÂnilang No. 1 player na si Aisam Qureshi na No. 16 sa doubles ranking.
Ang Pakistan team ay inaasahang darating ngaÂyon sa pamumuno nina Aqeel Khan, Yasir Khan at MuÂhammad Abid.